Ang Baybayín ay isang makalumang paraan ng pagsulat sa Pilipinas na nanggaling daw sa eskriptong Brahmi na mula pa sa India. Ginagamit ang Baybayín ng mga Tagalog, ilang grupo ng Kapampangan, at mga Ilokano(dahil sa impluwensiya ng mga nilathalang dokumento ng mga Espanyol na nasa Baybayín). Maraming ebidensya na nagamit ang Baybayín ng mga unang katutubong Pilipino tulad ng nahanap na inskripsyon sa isang yungib sa Laguna. Isa pang halimbawa o ebidensya ay ang nahanap na “Laguna Copperplate Inscription” na isa sa mga pinaka-unang nakasulat na dokumento sa Pilipinas. Patunay lamang ito na may paraan na ng pag-sulat ang mga Pilipino bago pa duamting ang mga kolonyalistang Espanyol. Pangunahing sinusulatan o inuukitan ng mga katutubo noon ang kawayan ngunit kakaunti ang ebidensiya dito sapagkat nabubulok ang kawayan. Marami sa mga ebidensiya sa pagsulat ng Pilipino ay galing sa mga Espanyol sapagkat sila mismo ang sumuporta sa paggamit ng Baybayín ng mga Pilipino, halimbawa na lamang nito ay ang “Doctrina Christiana” na unang nilathalang libro sa Pilipinas na gumamit ng Baybayín. Patunay ng pagsuporta ng mga Espanyol sa Baybayín ang pagnanais nila na mapalaganap ang Kristiyanismo sa Pilipinas. Malaking bahagi rin ang nilaro ng mga Espanyol sa pagbuo ng Baybayín sapagkat nagamit ito para sa ilang dokumento at mas napalaganap ito sa ibang bahagi ng bansa. Sa mahabang panahon na naging kolonya ng Espanya ang Pilipinas, ay tuluyan nang naalis ang paggamit sa Baybayín at ginamit na ang alpabetong Latin. Sa matinding impluwensiya at pagnanais ng mga kolonyalista ng kompletong kontrol sa Pilipinas ay ipinilit nilang tanggaling ang gamit sa Baybayín hanggang tuluyan na itong hindi ginamit. Masasabi na ring parang nawala ang isang mahalagang bahagi ng ating kasaysayan ng itakwil ang alpabetong Baybayín. Hanggang ngayon ay bihirang may nakakaalam kung ano ang Baybayín at ang mahalagang ambag nito sa kasaysayan ng Pilipinas. Sanggunian: https://www.aswangproject.com/writing-history-fiction-truth-baybayin/ https://en.wikipedia.org/wiki/Laguna_Copperplate_Inscription
0 Comments
Leave a Reply. |
Via BenedictoBabaeng payat, magaling magsulat ArchivesCategories |